
Meant to be nga talaga ang married couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera! Ilang taon kasi bago pa magkakilala ang dalawa, mayroong hindi kapani-paniwalang nakasulat sa kani-kanilang graduation yearbooks!
Taong 1998 nang magtapos ng high school si Dingdong pero tumigil muna siya ng pag-aaral para mag-concentrate sa kanyang showbiz career.

Si Marian naman, nagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Psychology sa De La Salle University - Dasmariñas noong 2005.

Kung titingnan ang yearbooks ng dalawa, tila itinadhana talaga ang Kapuso Royal Couple dahil pareho ang first lines ng kanilang descriptions!
Dingdong: “When you've got the face that has launched a thousand ships, it's rather difficult to be a humble person.”
Marian: “A face that could launch a thousand ships - that's what most people has to say.”
Taong 2007 pa lang noong unang magsama sa Marimar sina Dingdong at Marian. Ibig sabihin, hindi talaga nila alam ang tungkol sa kani-kanilang yearbooks. Si kupido na lang talaga ang gumawa ng paraan para magkatuluyan ang dalawa.
Samantala, silipin ang graduation photos ng mga paborito ninyong celebrities sa gallery na ito: