Article Inside Page
Showbiz News
Ikinuwento pa ni Jerald ang mga pangyayari sa DJ Bae segment noong Sunday
By MICHELLE CALIGAN
"It's the first long conversation they had on national television. Kasi sa Eat Bulaga, it's just 'Hi, hello.' 'Yun 'yung talagang nag-uusap sila."
Ito ang trivia na ibinahagi ni Sunday PinaSaya host Jerald Napoles sa isang eksklusibong panayam with GMANetwork.com kahapon, October 27, referring to the phone call between Alden Richards and Maine Mendoza that happened last Sunday.
Ikinuwento pa ni Jerald ang mga nangyari bago ang nakakakilig na eksena sa DJ Bae segment.
"Ako kasi alam ko na, na tatawag si Maine. Si Maine noon may ina-attend-an na event sa simbahan, binyag o kasal. Tapos pumunta doon ang handler niya, pinasabi ko na lang na banter na lang siya sa kung ano ang sasabihin ko. Bago magsimula ang show, may script kasi na sinusundan, 'yun ang script na alam ni Alden. May script na binigay sa akin, 'yun ang script namin ni Maine."
Pagpatuloy pa niya, "So ang nangyari, sabi ni Alden, 'Je, may notes sa script. Hindi na daw tayo magba-banter, first caller kaagad. Alam mo na ba 'yun? Dalawa daw caller natin ngayon. Nabasa mo na ba?' Ako naman, 'Oo nabasa ko na.' So wala siyang alam. Kaya kung uulitin niyo ang video, pag-ring ng phone, 'Hello po, DJ Bae,' nakangiti na ako kaagad kasi alam ko na ang mangyayari."
Ano naman ang naging reaction ni Alden pagkatapos?
"Pagkatapos nun, sa backstage, [sabi niya] 'Kasabwat ka! Kasabwat ka! Loko-loko ka! Ang galing niyo doon, pare!' Ganun siya nang ganun. Actually gusto niya rin naman 'yung nangyari, si Alden pa. Kitang-kita naman sa mukha ni Alden na gustong-gusto niya ang nangyari."
Ayon pa sa My Faithful Husband actor, matagal-tagal pang magpapakilig ang AlDub.
"Naku, matagal pang magpapakilig ang mga 'yan. Kasi sinusunod nila 'yung proper etiquette ng panliligaw, ng panunuyo. So hindi 'yun minamadali, laging hinihintay ang tamang panahon."