What's Hot

Ash Ortega, muntik hindi mapasama sa 'Wish I May' dahil sa height?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 3, 2020 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Labi ng OFW na nakitang patay sa kaniyang kuwarto sa Abu Dhabi, naiuwi na sa Iloilo
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Naikuwento ni Ash sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com na matapos niyang mag-audition para sa role, hindi na niya inasahang matatanggap niya ito.


By MARAH RUIZ

Napapanood ngayon si Kapuso cutie Ash Ortega sa GMA Afternoon Prime series na Wish I May. Gumaganap siya rito bilang si Eunice, ang girlfriend ni Tristan (Miguel Tanfelix).

Naikuwento ni Ash sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com na matapos niyang mag-audition para sa role, hindi na niya inasahang matatanggap niya ito.

"Kasi meron silang problema—kung who's taller, me or Miguel. I think he's taller than me ng konti, so lagi akong naka flats," paliwanag niya.

"Ang tagal [na] wala akong nare-receive na information. Sabi ko, baka hindi kami match ni Miguel or or something," dagdag nito.

Pero pinalad naman siya dahil matapos masabihan na tanggap na siya para sa role, diretso na siya sa taping matapos ang tatlong araw. First time din daw niyang makakatrabaho si Miguel at ang ka-love team nitong si Bianca Umali.

"Sa wakas, makakatrabaho ko na din sila. Sa workshop ko lang sila nakakasama. Doon ko lang sila nakikilala sa dance workshop. Pero first time ko silang makatrabaho," kuwento ni Ash.

Natutuwa naman siya sa pagiging magkapares ng dalawa pero hindi naman daw siya nagmamadali sa paghahanap ng sarili niyang ka-love team.

READ: Ashley Ortega nagpakita ng kanyang dance moves 

"Kahit ano naman eh. May love team man or walang love team, it's okay for me. If I'm doing my best, I'm sure mapapansin din naman nila ko," pahayag nito.

Subaybayan si Ash bilang si Eunice sa Wish I May, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Eat Bulaga.