
Bago pa man magkaroon ng kalyeserye, nakilala na ni Richard si Maine sa set ng 'Full House.'
By GIA ALLANA SORIANO
Nagkita na pala ang anak ni Eddie Gutierrez a.k.a. Anselmo ng Eat Bulaga kalyeserye at si Maine Mendoza six years ago!
LOOK: Si Eddie Gutierrez ay si Anselmo
Sa post ni Aubrey Carampel, ipinakita niya ang picture ni Richard Gutierrez kasama si Maine Mendoza at ang kanyang Ate Niki sa set ng Full House!
Naikuwento ni Aubrey na tahimik lang daw si Maine dati. Ika pa niya, “Sinong mag-aakala na after 6 years, ang shy type na si Menggay ay magiging artista.”