
Sino-sino ang mga celebrities na nag-audtion para sa pamosong musical?
Ilang celebrities ang sumabak sa auditions para sa musical na Miss Saigon na ginaganap ngayon dito sa Manila.
Sa musical na Miss Saigon nagsimula ang international career ni Lea Salonga bilang Kim. Sumunod sa kanyang yapak sina Monique Wilson, Joanna Ampil at Jamie Rivera. Noong 2014 naman ay binigyang-buhay ni Rachelle Ann Go ang role ni Gigi.
Maliban sa words of wisdom na nauna nang ipinamahagi ni Rachelle para sa mga nagnanais sumali sa musicals, may payo ring ibinigay si Jamie.
READ: Rachelle Ann Go encourages aspiring Miss Saigon and Les Miserables auditionees
Aniya “Mag-prepare kayo talaga and learn to dance also. Learn to dance. [Sa] singing n'yo, kantahin n'yo na ‘yung pinakamaganda niyong kanta that would bring out the best in you.”
Ayon sa 24 Oras, kasama sina Pinoy Pop Superstar season 2 grand champion Gerald Santos, theater actor Joaquin Valdez, at GMA Protégé first grand winner Krizza Neri sa mga nag-audition na nakatanggap ng callback slips.
Kuwento ni Krizza, “Actually I started theater last year and then doon ko na-realize na this is really what I want. Itong path na ‘to ‘yung gusto kong tahakin.”
Ibinida naman ni Cris Villonco ang kanyang audition experience sa kanyang Instagram account. Itinuturing niya raw na natupad na rin ang isang bahagi ng kanyang childhood dream.
“I’m just glad and basking in the surrealness of it all that it happened. Thank you to the powers that be for this crazy opportunity. I am truly grateful and for today, will pronounce, that I am blessed,” wika niya.