
Isang makahulugang mensage ang ipinarating ni Marc kay Danica sa 'Yan Ang Morning!'
Nagbigay ng short but sweet message ang asawa ni Danica Sotto na si Marc Pingris sa kanya ngayong umaga sa Yan Ang Morning!.
Ika ni Marc, “Gusto ko magpasalamat na dumating si Danica sa buhay ko. Hindi dahil artista ka or dahil kilala ka, or kilala family mo. Gusto ko magpasalamat sa pagmamahal na binigay mo sa akin, binigay mo sa family ko, at sa mga anak natin, doon ako nagpapasalamat.”
Dagdag pa niya, “Alam ko hindi ako perpektong tao, pero ang mareregalo ko lang sa 'yo na hindi mawawala sa buhay mo ay 'yung pagmamahal ko. Salamat sa pagpre-pray mo sa akin, sa pag-aasikaso mo sa akin. Andito lang ako para sa 'yo kahit ano'ng mangyari, mahal na mahal kita.”
READ: Ano'ng ginagawa ni Kean Cipriano 'pag nadadatnan niyang umiiyak ang asawa niyang si Chynna Ortaleza?