What's Hot

"I lost my identical twins" - Mayor Sara Duterte

By LORIE RAMIREZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 7:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rains over PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Marami ang nalungkot sa masamang balita na ipinahayag ni Mayor Sara tungkol sa triplets na ipinagbubuntis niya.


Kahapon (September 8) sa change of command ng Task Force Davao, ibinalita ng First Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na wala na ang identical twins na ipinagbubuntis niya. 

"I lost my identical twins," ang malungkot na pahayag ni Mayor Sara.

Noong Lunes (September 5) huling nakita ang alkalde ng publiko, tatlong araw matapos ang pagsabog sa night market ng Davao. 

"Monday, I wasn't feeling very well so nangadto (nagpunta) ako sa doctor and I said I'm not feeling very good. So ni-check niya and she told me na nag-arrest na daw ang heartbeat ng identical twins, but one is still fighting...he or she is doing good as of Monday," ang pagpapatuloy niya. 

Matatandaang noong Agosto lamang ibinalita ng mga Duterte na triplets ang ipinagbubuntis ng alkalde na ikinatuwa ng maraming netizens.

READ: Twitterverse celebrates Inday Sara's pregnancy

Kaya hindi katakataka na marami ang nag-alala sa kanyang maselang sitwasyon. Ngunit, nanatiling matatag ang Davao City's first woman mayor. Sa isang interview, siniguro niya na maayos ang kalagayan nang natitira sa triplets at kung ano ang mangyayayari sa identical twins.

"Hindi sila puwede tanggaling because it will affect the other baby. Ang mangyayari sa kanila, ang explanation ng doctor is that my body will reabsorb them or mapa-flatten lang sila paglaki nung isa."

Ayon sa ulat ng 24 Oras, hindi pa raw nasasabi ni Mayor Sara ng personal kay President Rodrigo Duterte ang nangyari sa kanya. 

Video from GMA News

MORE ON SARA DUTERTE: 

First daughter Inday Sara is pregnant with triplets

Sara Duterte slams netizen who called her pregnancy a publicity stunt

LOOK: Inday Sara slays the presidential inauguration ceremony with her royal blue gown