What's Hot

LJ Reyes, thankful for Paolo Contis's presence in her life

By FELIX ILAYA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 14, 2020 6:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jimmy Butler tears ACL, out for season —reports
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



"...Talagang tumutulong siya sa akin at nararamdaman ko 'yung pag-aalaga, mas magaan ang buhay." - LJ Reyes


"Parang this time, na-feel ko talaga na mayroon akong partner in life. Talagang tumutulong siya sa akin at nararamdaman ko 'yung pag-aalaga, mas magaan ang buhay ['nung dumating si Paolo]," bunyag ni LJ Reyes tungkol sa kaniyang partner na si Paolo Contis sa iOS Launch ng kaniyang project na Smart Mommy App o MApp.

 

Kakabagin ata ako today!???????? @paolo_contis #Wagas #WagasAdikSayo #AyingAndNancyLoveStory

A photo posted by LJ Reyes (@lj_reyes) on


Kamakailan lang naging present sa social media sina LJ at Paolo ngunit matagal na din pala silang magkasama, last Christmas nga ay lumipad pa sila papuntang New York upang bisitahin ang ina ni LJ.

Sa busy schedule ni LJ with her career, her son, and her app project; minsan ay nao-overwhelm siya kaya't malaki ang pasasalamat niya kay Paolo dahil likas na matulungin pala ang aktor.

Aniya, "Minsan nakikita niya na natataranta na ako sa dami ng ginagawa ko, tutulungan niya talaga ako. Sasabihin niya sa akin, 'Ano pa ang kailangan mong gawin na pwedeng ako na lang ang gumawa?' Ganoon! Malaki talaga ang tulong niya."

Nakikita rin niya na pangmatagalan ang pagsasama nila, "Hindi ko naman 'to papasukin kung hindi mo naman iniisip na it will last 'di ba?"

Close din naman si LJ sa dalawang daughters ni Paolo na sina Xalene and Xonia, "We make it a point na napupuntahan talaga ang mga bata, napaka-sweet talaga nila."

MORE ON LJ REYES AND PAOLO CONTIS:

EXCLUSIVE: LJ Reyes dumaan sa 'love-hate relationship' with her Ate Jacq? 

LJ Reyes launches smart phone app to help mommies everywhere 

Paolo Contis gets to spend time with daughters Xylene and Xonia