
How to get over you po?
Emo ang dating ni That’s My Bae grand winner Kenneth Earl Medrano sa millennials-themed teleserye na Trops. Brokenhearted ang bae sa kuwento dahil sa ex-girlfriend na si Pia at nalulungkot ang kanyang mga ka-Trops sa pinagdadaanan niya.
READ: That’s My Bae ng ‘Eat Bulaga, binigyan ng big break na bumida sa sarili nilang show, ang ‘Trops’
Isa sa mga nandiyan para sa kanya ay si Taki, “Alam mo Kenneth, I care for you dahil friend kita” kaya tinulungan niya ang binata para maka-move on sa pamamagitan ng isang proseso.
“First step, no connection. Kailangan mong i-delete si Pia sa lahat ng social accounts mo. Unfriend her, unfollow her, block her if needed dahil kapag nakikita mo ‘yung posts niya, mas lalo kang masasaktan,” payo ni Taki sa kanyang longtime crush.
Dagdag pa ng dalaga, “Online stalking wouldn’t really help, it would only make you feel bitter inside.”
READ: ‘Trops’ star Taki gets advice from Maine Mendoza on how to deal with bashers
Madalas magkita sina Taki at Kenneth sa kuwento upang matulungan ang matalik na kaibigan na malimutan ang ex-girlfriend nito.
Sa susunod na araw, binigyan ng tisay ng notepad ang crying bae. Paliwanag niya, “Next step, diyan mo isusulat lahat na bad memories mo with Pia. You only remembered the happy stuff, Kenneth kaya mas lalong nahirapan kang kalimutan siya.”
Natandaan naman ng binata ang mga masasakit na pinagdaanan niya kay Pia kaya naikuwento at nailabas niya ang mga ito sa kanyang sistema. Good vibes ang dala ni Taki sa kanyang pang-araw-araw kaya pinasalamatan niya ito.
Masaya naman ang dalaga dahil nakatulong siya, “Gusto ko lang ulit makita ‘yung Kenneth na kilala ko, ‘yung palaging naka-smile, happy, makulit. ‘Di ‘yung ganyan, emo-emo.”
Nabanggit ni Kenneth kay Mamshie na napapangiti siya ng kanyang kaibigan, “Good friend po talaga si Taki [at] saka po, iba talaga ang advice niya compared sa advice ng boys.”
READ: That’s My Baes ng ‘Eat Bulaga,’ nagpasalamat sa mataas na ratings ng ‘Trops'