What's Hot

WATCH: Camille Prats, nakatanggap ng naughty bridal gifts mula sa GMA executives?

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi pa raw nabubuksan ni Camille ang mga regalo.


Dalawang linggo pa lang ang nakakalipas nang mabigyan si Kapuso star Camille Prats ng mala-prinsesa na bridal shower kaya sariwa pa sa kanyang isipan ang mga natanggap na regalo. 

 

Last night, we were all princesses ???????? big big thanks to everyone who made it all possible! Thank you for showering us with love and goodies!???? @goodyph @marcopolomanila @niceprintphoto @worldbalanceph @benefitph @cathkidston.ph @insta_mug @twiloph @bottledupph @poufcottoncandy @arteegram_manila @jacatel @annayorkflowers #ThePrincessBride #marcopoloortigas #mpmjourneys

A photo posted by Camille Prats (@camilleprats) on


Hindi niya raw inasahan na makatanggap ng naughty bridal gifts, “Meron, dalawa! Hindi mo pa i-e-expect na sa kanila manggagaling kasi mga ano sila dito, bossings sa GMA.”
 
WATCH: Camille Prats gets pranked by son Nathan
 
Tawang-tawa ang mga Mars sa pasabog ng soon-to-be bride, “Pero, hindi ko pa nabubuksan eh.” Alam na niya ang laman dahil “nakalagay kung saang store galing.”
 
“Sabi ko pa sa kanila, grabe pumasok talaga kayo dito? Kasi pareho silang mga single at never pa nagka-jowa,” kuwento ng actress-host sa programa.

WATCH: Camille Prats, tinampal-tampal ng sales lady!
 
Naranasan naman ni Mars Dang Cruz ang bridal shower ng kanyang kaibigan sa isang gay bar noong '90s. Kuwento ng aktres, “First time nila [tapos] ‘yung hindi ko ine-expect, itong kaibigan kong bading [ay] kumuha talaga ng boylet at talaga ang trato sa amin [ay] bakla. Alam mo, talagang may gumigiling sa ‘yo.”
 
Nakapaglaro naman si Mars Jenny Miller ng isang naughty game sa bridal shower ni Isabel Oli, “‘Yung positions. Kaya kaming tawa nang tawa kasi talagang kuhang-kuha ko ‘yung ginagawa.”