What's Hot

Wyn Marquez at Mark Herras, patas sa gastos

By MARAH RUIZ, Interview by JANIS GOPEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 4:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Labi ng OFW na nakitang patay sa kaniyang kuwarto sa Abu Dhabi, naiuwi na sa Iloilo
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



"It's nice na hindi siya 'yung gumagastos for me. Balanced, 'yun 'yung pinag-usapan namin. Hindi pwedeng isa mas magastos sa isa." - Wyn Marquez


Sweet na sweet sa tunay na buhay at sa social media ang mga Kapuso stars na sina Mark Herras at Wyn Marquez.

Busy si Mark ngayon sa kanyang GMA Afternoon Prime hit series na Sa Piling Ni Nanay. Si Wyn naman ay busy sa pag-aaral para makuha ang kanyang teaching license. 

Gayunpaman, nagpaplano daw ang dalawa ng trip abroad bilang Christmas gift sa isa't isa.

"We're planning to go to Japan. It's our dream vacation, actually. Exciting kasi inayos ko na lahat," kuwento niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Ayon kay Wyn, hati sila ni Mark sa gagastusin nila sa kanilang bakasyon. 

"It's nice na hindi siya 'yung gumagastos for me. Balanced, 'yun 'yung pinag-usapan namin. Hindi pwedeng isa mas magastos sa isa," paliwanag niya. 

Naniniwala din si Wyn na mabuti sa isang relasyon ang ganitong set up. 

"It's a different generation now. I guess it's just about time na equal lang. Walang pataasan. Walang sumbatan. I think it's better that way," aniya. 

MORE ON WYN MARQUEZ:

LOOK: Wyn Marquez recalls her chubby days

WATCH: Wyn Marquez, muling sasabak sa beauty contest?