
Friend zone, seen zone, ate zone, or kuya zone, may love advice ang mga Kapuso stars para sa iyo!
Naranasan mo na ba ang ma-“friend zone” o ‘di kaya’y ma-“seen zone?” ‘Yung pina-fall o naging rebound?
May mga sagot ang ilan nating Kapuso stars para sa mga may problema sa love life katulad na lamang ni Hahamakin Ang Lahat star na si Joyce Ching, “Congratulations! At least hindi kayo pinaasa. Oh ‘di ba alam niyo agad, ‘di na kayo masasaktan.”
Dagdag pa niya, “Kung mangsi-‘seen zone’ kayo, mas mabuti na lang na maging straightforward na lang [kasi] you’re leaving the people hanging, parang naghihintay sila.”
Huwag naman masyadong mabahala sa iyong “the one that got away,” ayon kay Tsuperhero star Derrick Monasterio. Aniya, “Marami pang iba diyan so sana mahanap niyo na ‘yung tamang guy or girl para sa inyo.”
Para naman sa kanyang ka-love team na si Bea Binene, may mga taong “kuya-zoned” o “ate-zoned” kaya “accept [at] move on dahil when a door closes, meron naman talagang bintana or another door na bubukas para sa ‘yo.”
Masakit naman ang maging rebound at ma-fall para sa maling tao kaya may mga payo rin sina Encantadia stars Migo Adecer at Kate Valdez.
“[Don’t] make the person expect,” ani ng actor. Para naman sa young actress, “Kung gusto niyong ma-fall o magpapa-fall kayo, [siguraduhin] sa taong gusto niyo at sa taong mamahalin kayo.”
Celebrity guests ang Kapuso stars sa grand fans day ng youth-oriented show na Maynila para sa 18th anniversary nito.
MORE ON LOVE ADVICE:
READ: Love advice straight from your favorite Kapuso stars!
READ: Love advice from Alma Moreno and Papa Dudut
READ: Love advice from Jean Garcia