
Sinagot ng 'Hay, Bahay!' star ang basher na tumawag sa kanyang asawa ng "maldita" at "ingrata."
Umani ng ilang negatibong komento ang simpleng Instagram post ng kapatid ni Kristine Hermosa na si Kathleen Hermosa kung saan pinapakita ang pamilya Hermosa-Sotto na sabay sabay nanood ng “Enteng Kabisote.”
Ika ng basher, "Oo nga, daming alalay, di man lang pinagbihis talaga."
Hindi naman nakapagtimpi si Oyo Boy sa basher na tinawag din ang kanyang asawa na “maldita” at “ingrata.” Ika ni Oyo, "Plano naming itreat ang mga kasambahay namin. They're doing their job so wala kang pakialam."
Samantala, mas pinili naman ni Kathleen na huwag patulan ang basher at sa halip ay pinayuhan ito na maghanap na lamang ng ibang pagkakaabalahan.