What's Hot

WATCH: Why 'Saving Sally' is the "perfect abangers movie"

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon sa ulat ng 24 Oras, mabusisi ang pag-shoot sa blue background, pag-animate at edit, at paglapat ng iba’t ibang kulay at tunog sa Saving Sally


Isang dekada ang kinailangan para mabuo ang animated Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Saving Sally. Maliban sa mala-world class treatment ng naturang pelikula, ang tema raw nito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit nakapasok ito sa MMFF ngayong taon.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, mabusisi ang pag-shoot sa blue background, pag-animate at edit, at paglapat ng iba’t ibang kulay at tunog sa Saving Sally. Limang animators lamang daw ang gumawa nito, at kahit napiga man ang kanilang galing, tiyak namang napaganda nila ang pelikula. 

Sambit ng direktor nito na si Avid Liongoren, “Ang constant na feedback, anybody who has watched it is parang, ‘Di namin alam na puwede palang gumawa ng ganyan dito, ‘yung sa Pilipinas.’ ‘Yung ganun. ‘Yung overwhelmed sila na, ‘Nagawa niyo ‘yan?’’

Ang Saving Sally ay iikot daw sa kuwento ng pag-ibig, relasyon, at pakikitungo sa magulang na dapat mapanood ng mga batang Pilipino. 

“Ang relationship ng lead characters namin is parang mahaba… from friendship to ‘yung hindi nagmamadali. Walang nagpupumilit na makuha ‘yung gusto nila. ‘Yung maghintay ka, parang this is the perfect abangers movie. ‘Yung ganun. Maghintay ka lang, makukuha mo rin ‘yung gusto mo makuha,” paliwanag ni Direk Avid.

Ang Saving Sally ay katatampukan nina Rhian Ramos at TJ Trinidad. Mapapanood ito simula December 25.


MORE ON 'SAVING SALLY':

READ: Rhian Ramos talks about the difference of Saving Sally  from her other projects

READ: Rhian Ramos, inaming naging makatotohanan ang kanyang pagganap sa pelikulang Saving Sally 

WATCH: Trailers of MMFF 2016 official entries