What's Hot

WATCH: Jennylyn Mercado at Gil Cuerva, nagsimula na mag-taping para sa 'My Love From the Star'

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 4, 2020 4:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Atong Ang may already be out of the country —whistleblower Patidongan
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Silipin ang first taping day ng bagong Steffi at Matteo!


Unti-unti nang nabibigyang-buhay ang Pinoy version ng My Love From the Star dahil nagsimula na sa kanilang taping sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva. 

Magkaeksena agad ang mga bidang gaganap bilang sina Steffi Cheon at Matteo Do sa kanilang unang araw ng taping. Inamin nina Jennylyn at Gil sa panayam ng 24 Oras na pareho silang kabado sa kanilang unang pagtatrabaho ng magkasama. 

Ani Jennylyn, “Kasi ganun talaga, naninibago ka kasi bagong project 'tsaka ‘yung huli kong soap [opera] na ginawa, last year pa, mga October."

“Siguro po sa ngayon, just getting familiar lang po pero ine-embrace ko lahat, pati na rin ‘yung pressure that comes along with it. [I’m] getting used to things,” wika naman ni Gil. 

Bago sumabak sa taping, sinigurado ni Direk Joyce Bernal na magkaroon ng bonding moment ang dalawang bida. Ipinagpapasalamat naman ito ng bagong love team dahil mas nakilala nila ang isa’t isa. 

“Isa siyang batang ‘yung nag-aral lang. Pagkatapos mag-aral, gusto niyang mag-model. So parang ang simple lang din ng gusto niya sa buhay. Na-realize ko na gustong gusto niya talagang maging artista,” bahagi ni Jennylyn.

“Yesterday was a good experience kasi mas nakilala ko kung sino si Jen bilang isang tao, bilang isang nanay,” dugtong ni Gil na nakilala na rin ang anak ng aktres na si Alex Jazz. 

Sa parehong ulat ay nagbigay ng payo si Jennylyn sa kanyang leading man.

Mensahe niya, “Ituloy mo lang ‘yung craft na gusto mo. Mahalin mo lang ‘yung trabaho mo kasi 'pag minahal mo ‘yung trabaho, babalik din siya sa ’yo. May kapalit.”

Pangako naman ng aktor, “I promise to always put my best foot forward pagdating ko sa set, to remove all inhibitions. 100% ‘yung effort ko. Kung hindi 100%, 110% ‘yung ibibigay kong effort.”

Video courtesy of GMA News

MORE ON 'MY LOVE FROM THE STAR':

WATCH: Jennylyn Mercado, nagpa-sample ng iconic 'sorry' line mula sa 'My Love From the Star'

WATCH: Kilalanin si Gil Cuerva, ang bagong Matteo ng 'My Love From the Star'

LOOK: The cast of the 'My Love From The Star'