
Marahil ay kinatatakutan niyo rin ito.
Astig na pulis ang ginagampanang role ni Paolo Contis sa primetime series na Alyas Robin Hood, pero aminado ang aktor na may isang bagay siyang kinatatakutan.
READ: Paolo Contis, humingi ng tips kay PNP Chief Bato dela Rosa sa paghuli kay 'Alyas Robin Hood'
Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Paolo ng larawan ng ipis na lumilipad at sinabing takot na takot siya dito.
Aniya sa caption, "Ang #TunayNaLalake hindi nahihiyang aminin na takot siya dito! Amen? Ayaw ko ng ipis, pero 'pag lumipad na siya, takot na takot na ako!"
MORE ON PAOLO CONTIS:
Paolo Contis considers LJ Reyes the girl of his dreams
Ano ang bumabalik sa buhay ni Paolo Contis?