
Congratulations, Gladys!
Ibinahagi na ni Gladys Reyes ang gender ng kanyang ipinagbubuntis ngayon at ito ay isang healthy baby boy!
Sa kanyang Instagram post kahapon (Dec. 29), dalawang sonogram video clips ang ibinahagi sa kanyang mga followers.
Si Gladys ay kasal sa aktor na si Christopher Roxas at mayroong silang tatlong anak na sina Christophe, Aquisha at Grant.
Huling napanood sa GMA Afternoon Prime na Oh, My Mama! ang aktres.
MORE ON GLADYS REYES:
Gladys Reyes, naging kontrabida dahil sa manager na si Lolit Solis