
Abangan ang character ni Ivan bilang Ethan sa Meant To Be, mamayang gabi na pagkatapos ng Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad.
Malaking factor kay Kapuso actor Ivan Dorschner ang matalik na kaibigang si James Reid sa kanyang pagbabalik sa showbiz.
Sa press conference ng Meant To Be, ang Kapuso teleserye na kinabibilangan ni Ivan, ikinuwento niya kung paano siya nakumbinsi ni James na ituloy ang kanyang career.
IN PHOTOS: 'Meant To Be' stars, handa na sa premiere ng show
Ani Ivan, "Nawala ako sa bansa ng three years. Tinapos ko 'yung kontrata ko and bumalik ako sa 'min sa LA (Los Angeles). Naging regular na tao ako, nakisama sa pamilya, kumuha ng day job, and pumasok sa school."
Dagdag pa niya, “Noong pumunta 'yung kaibigan (James) ko doon para mag-tour sa West Coast, niyaya niya ako na bumalik sa showbiz. Napaisip ako at kinausap ko 'yung mga magulang ko, mga kaibigan ko, mga kakilala ko."
Nang bumalik si Ivan sa Pilipinas, dito na raw ibinigay ng GMA ang offer na mapasama sa bagong GMA Telebabad soap kung saan makakasama niya si Barbie Forteza.
Mula raw noon, hindi nawala ang suporta ni James kahit na magkaiba sila ng TV network. Ani Ivan, "Noong natanggap ako sa Meant To Be, ikinuwento ko naman agad sa kanya. Mayroon naman akong tinanong sa kanya na advice."
Siyempre, hindi raw maiiwasan na maikumpara sila sa isa't isa kaya naman nilinaw ni Ivan na walang magbabago sa kanilang pagkakaibigan. "Honestly there's no pressure. Actually, kung may comparisons naman, talagang hahamunin lang namin because tinatawag namin itong healthy competition," pagtatapos niya.
Abangan ang character ni Ivan bilang Ethan sa Meant To Be, mamayang gabi na pagkatapos ng Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad.
Meant To Be: Ivan Dorschner bilang Ethan Spencer-Hughes
MORE ON IVAN DORSCHNER:
EXCLUSIVE: Ivan Dorschner feels at home with his 'Meant To Be' co-actors
Bakit tinawag ni Barbie Forteza na "sweet" si Ivan Dorschner?
LOOK: "Meant To Be" boys show off their toned figure