
Sumailalim ang aktres sa isang matagumpay na acupuncture procedure upang bumalik sa normal ang kondisyon ng kanyang mukha.
Ilang buwan matapos ibahagi ni Angelu de Leon ang balitang na-diagnose siya ng sakit na Bell's Palsy, unti-unti nang gumagaling ang Kapuso actress ayon sa update sa kanyang Instagram.
WATCH: Angelu de Leon, ipinakita ang epekto ng Bell's Palsy sa kanyang mukha
Kalakip ng kanyang larawan, ikinuwento ni Angelu na sumailalim siya sa isang matagumpay na acupuncture procedure na malaki ang itinulong upang bumalik sa normal ang kondisyon ng kanyang mukha.
"Bruised cheeks c/o my Korean acupuncturist Dr. Marie Lee. But all good because she had to pop the blood clot inside that was blocking the blood from flowing to my upper lip. It's my left eye and upper lip na lang that show the Bell's Palsy," pahayag niya.
Nagpasalamat din sa Angelu sa mga taong nagdarasal para sa kanya. Aniya, "Thank you for all the prayers. I know God is not yet done. I am still claiming and declaring complete healing and a 100 percent restoration of my facial nerves in Jesus' name."
MORE ON ANGELU DE LEON:
LOOK: Angelu de Leon's half-smile due to Bell's Palsy
IN PHOTOS: Angelu de Leon's 18-year-old daughter, Nicole