
Ipinamalas ni Mrs. Yambao ang kanyang galing sa kusina with her “Honey Glazed Salmon ala Camille.”
Noong Sabado, January 7 lang ikinasal ang newlyweds na sina Camille Prats at VJ Yambao pero sumabak na kaagad bilang guests ang mag-asawa sa talk show ng aktres na Mars.
Ipinamalas ni Ginang Yambao for the first time ang kanyang galing sa kusina para ipagluto ang kanyang forever love ng “Honey Glazed Salmon ala Camille.”
Excited na ang aktres na ma-bless ang bago niyang kusina sa magiging bahay nila ni VJ at ibinahagi niya pa ang mga pagkain na nais niyang lutuin para sa kanyang asawa.
“Usually kasi Mars, ang favorite niya Japanese [at] Korean [cuisines] tapos kinikuwento niya sa akin Mars na bibili daw siya ng gamit na pang-Korean tapos sabi ko si Ate may sinabi sa akin na [mga gamit na] bibilhin natin tapos puwede tayo magluto sa bahay,” kuwento ng TV host-actress sa kanyang co-host na si Suzi Abrera.
Ano kaya ang naging reaksiyon ni VJ sa luto ng kanyang maybahay sa show? Panoorin ang nakakatuwang episode na ito ng Mars:
MORE ON CAMILLE PRATS:
IN PHOTOS: #YambaosTakeVows: Camille Prats & VJ Yambao’s wedding
WATCH: Camille Prats and VJ Yambao cry, laugh and dance in wedding video
WATCH: Camille Prats at VJ Yambao, sa Europe balak mag-honeymoon