
Go, go, go, P-chi!
Mommy na talaga mag-isip ang sexy comediane at Bubble Gang star na si Rufa Mae Quinto.
Sa nalalapit na panganganak nito, naisip pa nitong ayusin ang kanyang mga personal na gamit para mas maging handa sa pagdating ni Baby Alexandria.
Sa mga matatanda ang tawag dito ay "nesting," ang pagsasaayos ng mga gamit upang magbigay daan sa pagdating ng sanggol. Sa mga buntis, ang nesting urges ay mas malakas kapag malapit na itong magluwal.
Para kay Rufa Mae, kasabay ng nesting urges niya ay naisip nitong pagkakitaan na rin ang kanyang mga personal ng koleksyon ng bags, shoes, watches, jewelries, at iba pa.
Aniya, "Check out my collection and see if you like it, just DM me for inquiries..."
Go, go, go, P-chi!
MORE ON RUFA MAE QUINTO:
Rufa Mae Quinto, nakita na ang hitsura ng unica hijang si Baby Alexandria
WATCH: Rufa Mae Quinto's wedding video tops 400K views on Facebook