Kaliwa't kanan ang naging acting offers kay Philippine Dubsmash Queen Maine Mendoza simula nang sumikat ito sa kalye-serye ng Eat Bulaga.
Aminado si Maine, pati na ang kanyang management na hindi pa siya handa para sa isang teleserye noon.
"Noong una, noong sinabi ngang hindi pa siya ready, ang sabi sa 'min ni Mr. [Tony] Tuviera, 'We will tell you when she's ready. She has to go through a series of workshops,'" bahagi ni GMA Vice President for Drama Redgie A. Magno sa press conference ng Drama Group ng GMA Entertainment TV.
"I guess dumaan din siya doon kasi sa kanila din naman nanggaling na she's ready," dagdag pa niya.
Habang hinihintay ng network ang "tamang panahon" para sa dalaga, puspusan pa rin ang paghahanda nito para sa seryeng pagbibidahan ni Maine at ng kanyang ka-love team na si Alden Richards.
Ibinahagi rin ni Magno na maagang nag-commit sina Alden at Maine para sa serye.
Nakatakdang mapanood ang unang primetime series nina Alden at Maine na Destined To Be Yours ngayong taon, sa GMA Telebabad.
MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':
MUST-READ: Alden Richards at Maine Mendoza, maagang naglaan ng panahon para sa kanilang teleserye
AlDub soap na 'Destined To Be Yours,' malaking pressure sa network at sa producers