Tila pangarap ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang mga katawan ng ex-girlfriends ng kanyang kapatid na si Sebastian Duterte.
LOOK: Former ‘Bubble Gang’ star Ellen Adarna, spotted hanging out with Baste Duterte
MUST-SEE: How did Baste Duterte react on his girlfriend’s FHM feature?
Nag-post si mayora ng sexy photos nina Ellen Adarna at Kate Necesario na parehong naging FHM models. Sila raw ang naiisip ng pangalawang anak ni Pres. Rodrigo Duterte tuwing siya ay kumakain ng ensaymada sa merienda.
Saad ni Inday Sara sa Cebuano na isinalin sa Filipino, “Ang masasabi ko lang Kate at Ellen, gusto ko ang katawan niyo. Pagod na ako sa fats na ayaw makipaghiwalay.”
Bukod sa kanyang biro, nagbigay pa ng tips si Mayor Sara kung paano kabugin ng mga matataba sina Kate at Ellen mag-pose.
Aniya, “Ganito ang ating pose, baluktutin lang ang mga paa at binti tapos magsuot ng damit para matabunan ang katawan at huwag ninyong kalimutan mag-smile. Mananalo tayo, magtiwala lang.”
Siguradong may masasabi’t masasabi ang kanyang nakakabatang kapatid kung ano ang nasa ilalim ng kanyang t-shirt.
Samantala, naglabas naman ng sama ng loob ang kanilang tatay dahil napapabayaan na umano ni Baste ang kanyang anak kay Kate.