Madalas magkasama sina Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose at Kapuso hunk actor Benjamin Alves sa set ng pinagbibidahang drama series na Pinulot Ka Lang sa Lupa.
Hit movie noong '80s ang pelikula nina Diamond Star Maricel Soriano, Lorna Tolentino at Gabby Concepcion kaya tutok ang stars ngayon para mapaganda ang TV remake ng Kapuso network.
Ayon sa lead actress na gumaganap sa role ni Santina, “Ginagawa lang po talaga namin lahat [ng] makakaya namin, ‘yung best namin para mabigyan po ng justice ‘yung mga roles, ‘yung characters, ‘yung movie.”
READ: Julie Anne San Jose, nakaka-relate raw sa kanyang karakter sa ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa?’
Saad naman ng leading man sa Unang Hirit, “Mga two hours lang ‘yung film [pero] sa amin po [ay] buong soap po siya. Mabibigyan po lahat ng back story po at mabibigyan din ng modern twist.”
Masuwerte ang real life sweethearts na magka-love team din sa soap dahil sa oras na kanilang nilalaan para sa isa’t isa. Sumailalim sa isang compatibility test ang rumored couple para ma-test ang kung gaano nila kakilala ang isa't isa at para malaman kung magkasundo ang kanilang mga personalidad.
READ: Julie Anne San Jose says she’s no longer single
READ: ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’ star Benjamin Alves, may pick up lines kay Julie Anne San Jose
Samantala, lumabas na ang Kapuso stars sa episode ng Pinulot Ka Lang sa Lupa kanina sa GMA Afternoon Prime ng 4:15 p.m.
TRENDING: TV remake ng ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa,’ sinubaybayan ng mga viewers!