Sinamahan ni Kapuso star Paolo Contis ang kanyang rumored girlfriend na si LJ Reyes sa church service ng Victory Christian Fellowship Timog.
Makikitang tuwang-tuwa ang aktres dahil sa kanyang “new job.” Binahagi pa niya ang ilan sa kanyang notes sa social media tungkol sa selfless love ng Diyos na kailangan din nating isabuhay.
LOOK: Paolo Contis to LJ Reyes: “I promise to protect your heart so it will never get hurt ever again”
Masaya rin si Paolo na nakasama niyang manalangin ang kanyang mahal sa buhay. May kasama pang biro ang kanyang post.
“Para sa mga nag-aalala kung nasunog ba ako sa loob ng church, okay lang po ako!!!” sambit niya.
Kilala kasi ang Kapuso comedian sa kanyang mga funny antics.
MORE ON PAOLO BALLESTEROS:
WATCH: Paolo Contis, sinampal ni Kim Domingo dahil sa pambabastos?
#CertifiedViral: ‘Galawang Hokage’ video ni Paolo Contis kay Kim Domingo, mahigit 1M views na!