What's Hot

WATCH: Regine Velasquez, stage mom raw sa pag-aartista ni Leila Alcasid?

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 8, 2017 8:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News



"Nagugulat nga ako kasi nare-realize ko may pagka-stage mom [ako]." - Regine Velasquez  

Nagdesisyon na lumipat sa bansa at manirahan ang 19-year-old daughter ni Ogie Alcasid na si Leila Alcasid sa kanila kasama ang kanyang asawang si Asia’s Songbird Regine Velasquez at ang kanilang anak na si Nate.
 
READ: Regine Velasquez says 2017 will be great because of Leila Alcasid
 
May balak raw ang half-Filipino, half-Australian na anak ni Ogie sa dati nitong asawa na si Michelle Van Eimeren na pasukin ang mundo ng show business sa Pilipinas.
 
LOOK: Regine Velasquez-Alcasid, tinawag na Miss Universe si Leila Alcasid
 
Masaya namang winelcome ng pamilya Alcasid ang panganay ni Ogie. Ayon pa sa “Best Stepmom Ever” na si Mommy Regine, “I’m very happy she’s here.”
  

 

Tom jones tom jones!!! #sarapdiva

A photo posted by Leila Alcasid (@leilalcasid) on

 

Suportado naman ng Asia’s Songbird ang mga plano ni Leila, “Gusto niya talagang mag-artista so nag-aacting lesson siya tapos ngayon nag-aaral siyang mag-Tagalog. Nagugulat nga ako kasi nare-realize ko may pagka-stage mom [ako] kasi parang nase-stress ako 'pag hindi [siya] sinasamahan.”
 
WATCH: Leila Alcasid on starting a showbiz career: “Puwede!”
 
All is well ang kanilang pamilya dahil nagkakasundo lahat at pinasasalamatan ito ni Regine sa Panginoon.
 
“Inayos lahat ‘yun ni God, but of course, my husband also worked really hard kasi iniisip niya ‘yung mga bata. Kailangan ‘yung mga bata merong nanay at tatay so ngayong dalawa ang nanay [at] dalawa ang tatay [ni Leila],” kuwento niya sa Unang Hirit.
 
Bibida ang actress-singer sa pinakabagong comedy-musical offering ng GMA, ang Full House Tonight! na magsisimiula na sa February 18. 

 

MORE ON REGINE VELASQUEZ: 

LOOK: Regine Velasquez hosts a dinner party for team ‘Full House Tonight’

Bakit love ni Regine Velasquez na makatrabaho ang mga bakla?