What's Hot

WATCH: Sinon Loresca, ano ang sikreto sa kanyang mala-Miss Universe na rampa?

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 6, 2017 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News



Bato-bato man ang katawan, pero mala-Miss Universe si Sinon “Rogelia” Loresca pag rumampa.

Bato-bato man ang katawan, pero mala-Miss Universe si Sinon “Rogelia” Loresca pag rumampa. Kaya naman, nararapat lang na tagurian siya bilang King of the Catwalk.

Sisiw lang para kay Sinon ang pagrampa habang suot ang 6-inch heels at naka-speedo. Sa katunayan, naging trending ang kanyang mga videos na rumarampa at nakapukaw pa ng atensyon ng international websites.

Sambit niya sa panayam ng 24 Oras, “Kung minsan tsine-check ko. ‘Ako ba talaga ‘to?’ Pagtingin ko, katawan ko, heels ko, lakad ko. ‘Bakla, ako nga!’ ‘Di ba. Sobra po akong natuwa. Sobrang overwhelmed ako hanggang ngayon. Diyos ko.”

“Malaki ang katawan ko, pero feeling ko kaya ko ang lakad na ‘to,” dugtong niya.

Bata pa lamang si Sinon ay pangarap na niyang maging isang super model. Nahasa raw niya ang kanyang galing sa pagrampa kakanood ng international beauty pageants. Ngayon, ang beach, treadmill o kaya naman sa set ng kanyang kinabibilangang Kapuso show na Impostora ay ginawang fashion runway ni Sinon.

Para sa dabarkad, kumpyansa sa sarili ang susi para gumaling sa pagka-catwalk

Pahayag niya, “[Pag] malakas ang loob mo, lalabas ‘yan sa pagrampa mo. Para kang standout.”

Ano naman kaya ang masasabi niya sa kanyang trademark na lakad?

“Queen Rogelia, the Catwalk King. Pwede na. Oh ‘di ba, pinaghalo ang queen 'tsaka king, eh kasi mixed naman ako ‘di ba. Half-lalaki, half-binabae ang puso. Sina Shamcey, sina Venus, magaganda rin ang mga mukha, pero mga beh, feeling ko mas bongga ang walk ko sa inyo. Charot,” biro ni Sinon.

Video from GMA News

MORE ON SINON LORESCA:

LOOK: Sinon Loresca receives invitation to appear in U.S. TV show The Doctors 

MUST-SEE: Rogelia tampok sa iba't ibang international news websites dahil sa viral Miss Universe walk

LOOK: 10 superhot photos of Rogelia in Boracay

Photo by: sinonloresca (IG)