
Hindi daw inakala ni Kapuso leading lady Kris Bernal na isang social media sensation ang kanyang Impostora co-star na si Sinon Loresca.
READ: Sinon Loresca, excited na makatrabaho si Kris Bernal
"Grabe si Sinon, nagulat ako sa kanya. Kasi nung una, parang hindi pa ako masyadong familiar sa kanya. Ang alam ko lang, nasa Kalye-serye siya, and si Rogelia nga siya. 'Yun lang ang info ko about him. So nung nakilala ko siya, kinuwento niya sa akin ang mga videos niya, sabi ko, 'Ay grabe!' Hindi ko alam na umaabot ng 40 million views ang channel niya'," kuwento ni Kris sa isang exclusive interview with GMANetwork.com.
Nitong mga nakaraang linggo ay naging viral ang Instagram videos ni Sinon, kung saan naglalakad, tumatakbo at nagba-basketball siya habang suot ang six-inch heels.
WATCH: Sinon "Rogelia" Loresca, naglaro ng basketball in high heels
Pero kahit kilala na ay very humble pa rin daw si Sinon at magaan katrabaho.
"Sobrang comfortable ko na sa kanya, ang dali niyang kagaanan eh. At saka very approachable siya. Kapag malungkot talaga ako after crying scenes, lalapit siya sa akin, patatawanin niya ako. Alam na niya 'yung gagawin niya para mag-switch ako agad, na maging happy ulit ako."
Ibinahagi rin ni Kris na napapa-take two daw siya kapag kasama si Sinon sa eksena dahil lagi itong nagpapatawa.
"Siya talaga nakakapagpa-take two sa akin (laughs). Sabi ko nga [sa kanya], 'Hindi ako magaling na artista kasi ambilis kong matawa sa 'yo.' Kasi may ginagawa siya na hindi naman namin ginawa sa rehearsal, kaya natatawa ako bigla. Tapos sabi ko sa kanya, 'Uy minsan naman kapag may naisip ka, sabihin mo agad sa akin para handa ako. Itatawa ko na bago mag-take.' Sobrang husay niya."
MORE ON 'IMPOSTORA':
Kris Bernal, ipinakilala ang characters na gagampanan niya sa 'Impostora'
IN PHOTOS: 'Impostora' story conference