Mahirap ang independent living at nararanasan ito ngayon ni Kapuso actress Janine Gutierrez. "Ang hirap, kailangan pala talagang maging responsible ka lalo na sa bills," pahayag niya.
Sa press conference ng Day Off, ang isa sa bagong Kapuso shows ni Janine, ikinuwento niya na muntik na siyang maputulan ng kuryente. "Naalala ko may isang beses na kinakatok ako ng Meralco kasi nakalimutan ko pala magbayad tapos puputulan na ako ng kuryente. [Sabi ko], 'huwag po,'" natatawang bahagi ng aktres,
Janine Gutierrez, Ken Chan team up as new 'Day Off' hosts
Ngayon lamang naranasan ni Janine na manirahan nang mag-isa sa kanyang condominium unit sa San Juan City. "It took me so long, siguro more than a year [to furnish my unit]. Talagang pinag-ipunan ko, inisa-isa ko 'yung gamit. Ang hirap pala," pahayag niya.
Bukod sa Day Off, bibida rin si Janine sa upcoming GMA Afternoon Prime soap na Legally Blind kung saan makakasama niya sina Mikael Daez, Lauren Young, Marc Abaya at Rodjun Cruz.
MORE ON JANINE GUTIERREZ:
Janine Gutierrez, nagsalita na tungkol sa isyung edited ang kanyang sexy calendar photo
Janine Gutierrez, pressured at kinakabahan sa kanyang most challenging role to date
Photo by: janinegutierrez (IG)