“Basta driver, sweet lover” at talaga namang ang tamis magmahal ni Kapuso hunk Benjamin Alves dahil acts of service ang kanyang love language.
“[Ang] Valentine’s gift ko, ako ‘yung driver ni Julie,” bungad ng aktor sa kanilang guesting ni Asia’s Pop Sweetheart sa Unang Hirit.
Maaga nagsimula ang Valentine’s Day ng Pinulot Ka Lang sa Lupa stars mula sa morning show na nasundan ng breakfast date at ang paghatid ni Ben sa kanyang leading lady sa trabaho sa hapon, kahapon.
Ibinunyag rin ng aktor ang gift sa kanya ng kanyang lady love, “Nagbigay [siya] ng damit before.”
Abangan ang Kapuso stars sa kanilang GMA Afternoon Prime soap mula Lunes hanggang Biyernes ng 4:15 p.m.
MORE ON BENLIE:
READ: ‘Pinulot Ka Lang sa Lupa’ star Benjamin Alves, may pick up lines kay Julie Anne San Jose
READ: Julie Anne San Jose thanks rumored boyfriend Benjamin Alves for his holiday gift to her family