Ang sweet talaga ni Kapuso star Rodjun Cruz sa kanyang crush at girlfriend of 10 years na si Dianne Medina. Gumawa talaga siya ng paraan para makasama ang kanyang mahal sa buhay sa Araw ng mga Puso.
READ: Rodjun Cruz, crush na si Dianne Medina noong unang beses itong makita sa TV
Kuwento niya sa Unang Hirit, “[Noong] Valentine’s Day, parehas kami may work ni Dianne. Sabi ko, hindi pwede palagpasin ang Valentine’s Day [kaya] tinawagan ko si Alden [Richards].”
Dahil sa hectic schedule ng Encantadia star, hindi siya nakapagplano nang maaga para sa naturang araw kaya napa-call-a-friend siya sa kanyang malapit na kaibigan na may-ari ng Concha’s Garden Café sa Tagaytay.
“Sabi ko, ‘Bro, pa-reserve mo naman kami sa resto mo. Si Alden naman [ay] sobrang bait, talagang ni-reservan niya kami ng magandang lugar [at] may bulaklak pa na naka-prepare. Nakasama ko si Dianne [at] enjoy kami kasi sobrang lamig sa Tagaytay,” bahagi ng Kapuso hunk.
Ume-effort talaga siya para maging espesyal ang araw na iyon para sa kanyang longtime girlfriend, “Every Valentine’s Day talaga [ay] nagbibigay talaga ako ng bulaklak sa kanya at sinusurprise ko rin siya.”
READ: Are wedding bells ringing soon for Rodjun Cruz and Dianne Medina?
Samantala, throwback ang naging dance number ni Rodjun sa kanyang Unang Hirit guesting.