Isa sa mga most followed celebrities si Kapuso star Camille Prats. Sa kabila ng kanyang kasikatan, may mga tao ring naninira sa kanya, lalong-lalo na sa social media at aminado naman ang aktres na talagang pinapatulan niya ang mga ito.
“Meron akong hindi pinapalagpas, lalo na kapag foul na o feeling ko parang hindi naman talaga totoo. Meron naman kasing iba na may masabi lang, ‘yun dedma talaga but meron talagang may gusto patunayan [at] hinahamon ka talaga. Sumasagot talaga ako,” kuwento niya sa Mars.
Sensitibo para sa TV host-actress kapag may nababasa siyang mga komento tungkol sa kanyang anak, “About Nathan, patola talaga ako.”
READ: Camille Prats, a proud mom to Nathan
Nakakuha rin ng kanyang atensiyon ang mga komento tungkol sa kanyang pagbubuntis tulad ng “Agad-agad nakabuo?” at “Nagpakasal ka ba dahil nabuntis ka?”
LOOK: Camille Prats is pregnant with first child with husband VJ Yambao!
“Gusto kong pumatol pero there are also nice people na sila na mismo ang ‘yung [nagde-defend]. Naalala ko noon, nag-type ako nang mahaba tapos dinelete ko din. Papatulan pa ba kita? ‘Pag ganun, dedma na,” sambit ni Mrs. Yambao tungkol sa mga bashers.
Dagdag pa niya, “People will always have something to say at meron din talaga akong naiisahan.”
Choose your battles wisely, mga Kapuso!
MORE ON CAMILLE PRATS:
WATCH: Camille Prats on VJ Yambao: “What’s yours is mine, what’s mine is yours”
WATCH: Camille Prats and VJ Yambao cry, laugh and dance in wedding video
READ: Camille Prats, naranasang pagbawalang pumasok sa isang sinehan