Mayroong special request ang unica hija ni Bettinna Carlos na si Gummy sa kanyang nalalapit na 6th birthday.
Ayon sa post ni Bettinna, nais ni Gummy magpa-salon, at ito ay kanyang kauna-unahang professional haircut dahil si Bettinna ang gumugupit ng kanyang buhok.
Ipinakita ni Bettinna ang photo ng kanyang anak na punong-puno ng saya dahil sa kanyang haircut. Aniya, "Ganito pala pakiramdam na anak mo na ang nagpapasya na magpapagupit siya!!! At hindi mo siya mapipigilan!!!!! Shes so excited and kilig to have her hair shampoed here and have her first salon haircut."
Hindi rin napigilan ni Bettinna na maging sentimental dahil sa pagbabagong ito sa kanyang anak. Saad ni Bettinna, "Grabe nak ako lang nagugupit sa'yo for 6yrs!!!!!!!! Huhuhu"
Dagdag pa ni Bettinna, "She said this is my first 6th bday gift to her daw. Saying yes for her to have shorter hair and bangs again. #GummyBites #StillMyBaby"
Ipinagtabi naman ni Bettinna ang kanyang photo at ni Gummy para ipakita na magkamukha silang mag-ina.
Aniya, "Do we look alike na???"
At ito na ang new look ng magandang birthday girl.
Happy birthday, Gummy!
MORE ON BETTINNA CARLOS AND GUMMY:
LOOK: Bettinna Carlos and Gummy receive a Valentine's Day surprise
Bettinna Carlos is an "emo mama" to daughter Gummy