Seryoso at puno ng damdamin ang birthday wish ni Alden Richards sa kanyang Destined To Be Yours leading lady na si Maine Mendoza.
Nakapanayam ni Lhar Santiago ang phenomenal love team nang bumisita ito sa set ng teleserye nina Alden at Maine.
Kuwento ng Pambansang Bae na magsisimula na raw ang kanilang love story, at marami ang dapat pakatutukan dito.
Ani Alden, “Abangan niyo po kung ano ‘yung magiging impression nila sa isa’t isa, kung paano po mabubuo ‘yung love story, and kung ano po ‘yung magiging conflict.”
Sa parehong pagkakataong ito, may inihanda palang sorpresa para kay Maine ang kanyang mga kasama sa Destined To Be Yours.
LOOK: Maine Mendoza, sinorpresa sa set ng Destined To Be Yours
“Nagulat kasi kakagising ko lang. Una sa lahat, kakagising ko lang po talaga. Tapos biglang ganun, may pa-cake, may pa-kanta. Nag-gather ang lahat ng production team ng Destined To Be Yours para doon. Nakakaloka. Nakaka-surprise,” pag-amin ng aktres.
Ibinahagi rin niya ang kanyang naging simpleng birthday celebration.
“Nung mismong birthday ko, nag-dinner po ako with family and friends. Masaya. Tsaka po kahapon din, medyo, nagpunta akong beach with family and friends din po,” sambit ni Maine.
Ano naman kaya ang mensahe ni Alden para sa kanya?
Wika ng Pambansang Bae, “Every day naman po kasi namin, hindi po kami lagi nawawalan ng mga pagsubok eh. And sana lagi kaming ganito. Lagi kaming okay.”
“Wow. Ganun din naman po eh. Kasi dati ang dami naming [struggles] nito eh. Pero ngayon nga, steady na po kami,” naging tugon naman ni Maine.
Video from GMA News
MORE ON ALDEN RICHARDS AND MAINE MENDOZA:
WATCH: Alden Richards at Maine Mendoza, sumabak sa aktingan challenge sa Unang Hirit
WATCH: Alden Richards, sinorpresa si Maine Mendoza sa kanilang Facebook Live Chat
MUST-SEE: AlDub, ginaya ang mga lumang photos ng isa't isa