Sobra ang pagpapahalaga ng Dubsmash Queen of the Philippines na si Maine Mendoza sa kaniyang pinakamamahal na mga fans, kahit maituturing na siyang isang superstar.
Muli itong napatunayan ng marami ng kumalat sa social media ang ginawa ni Menggay para pagbigyan ang isan fan makapagpa-selifie. Na-feature din sa isang showbiz blogsite ang ginawang ito ng dalaga.
Sa video na in-upload ng @maineloversph sa Instagram, makikita ang isang babae na nakasuot ng pink jacket na halos magmakaawa na sa security ni Maine para lamang makalapit ito.
Sa halip na paandarin agad ang van na dinudumog na ng tao, pinabuksan ng Destined To Be Yours lead actress ang pinto ng sasakyan para makakuha ng selfie ang fan kasama siya.
Samantala, heto naman ang patikim ng episode ng Destined To Be Yours mamayang gabi.
MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':
WATCH: Alden Richards happy with success of 'Destined To Be Yours'; confirms big concert in May
EXCLUSIVE: Maine Mendoza, thankful sa pag-alalay ng director at co-stars
Alden Richards, pinuri si Maine Mendoza sa pagganap sa unang soap
Photos by: @juansarte(IG)