Muling nagkasama sa isang school event ng kanilang anak sina Sunshine Dizon at ang estranged husband nitong si Timothy Tan. Pareho silang dumalo sa moving up day ng kanilang bunsong anak na si Antonio.
"Congratulations Antonio, we're very proud of you," saad niya sa caption.
Sa isa pang post ng Ika-6 Na Utos actress, ibinahagi niyang Grade 1 na ang panganay niyang si Doreen sa darating na pasukan, habang Kinder naman si Antonio.
Matatandaang last week lang ginanap ang moving up day ni Doreen, kung saan parehong present din sina Sunshine at Timothy. Inurong na rin ng aktres ang kaso laban sa asawa dahil gusto niyang mapanatili ang magandang relasyon ng kanyang mga anak sa kanilang ama.
MORE ON SUNSHINE DIZON:
WATCH: Sunshine Dizon's daughter Doreen cheers for #TeamAsawa
WATCH: What you've missed from the March 17 episode of 'Ika-6 Na Utos'