What's Hot

WATCH: Kylie Padilla, sinusubaybayan pa rin ang istorya ng 'Encantadia'

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 23, 2017 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beyonce declared a billionaire by Forbes magazine
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Busy man si Kylie sa kanyang paghahanda bilang first-time mom, aminado ang aktres na nami-miss pa rin niyang maging bahagi ng Kapuso telefantasya na Encantadia.

Busy man si Kylie sa kanyang paghahanda bilang first-time mom, aminado ang aktres na nami-miss pa rin niyang maging bahagi ng Kapuso telefantasya na Encantadia.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, magaan na ang pagbubuntis ni Kylie Padilla ngayong limang buwan na siyang nagdadalang-tao kumpara noong unang trimester na madalas siyang nagsusuka. Mas matakaw na rin daw siya ngayon at may pinaglilihian.

Bahagi ni Kylie,“Cheese, pizza, pasta. Ang daming puro nakakataba.”

Nakapanayam siya ni Aubrey Carampel nang ipinakilala si Kylie bilang isa sa mga endorsers ng isang pharmacy at personal care store. Nakasama rin dito ng aktres ang ‘Chika Minute’ host na si Iya Villania, at kinuha niya ang pagkakataon na hingan ito ng advice tungkol sa motherhood.

“Tinanong ko sa kanya ‘yung kung kamusta ‘yung birth story niya, tapos nagkuwento siya. Tapos ‘yun nga, nagkuwento ako sa gusto kong [delivery]. Sabi niya, ‘Kung kaya mo ‘yung sakit, gawin mo,’” sambit ni Kylie.

Ngayon pa lang daw ay pinaghahandaan na niya ang kanyang bagong role bilang isang ina. Nakatakda raw siyang dumalo sa iba’t ibang klase tungkol sa pag-aalaga ng baby at breastfeeding. Gayunpaman, hinahanap-hanap pa rin daw niya ang pagtatrabaho lalo na kasama ang kanyang Encantadia family.

Aniya, “Sinusubaybayan ko pa rin. Syempre gusto ko malaman kung ano na nangyayari kay Amihan. Sumanib siya eh ‘di ba kay Ariana. Oo, pag nanonood ako sabi ko, ‘Nakaka-miss nga talaga."

Video from GMA News

MORE ON KYLIE PADILLA:

LOOK: Kylie Padilla shows off her baby bump

LOOK: Netizens love Kylie Padilla's engagement ring

LOOK: Ang mga lalaki sa buhay ni Kylie Padilla

Photos by: @kylienicolepadilla(IG)