Dahil sa kanyang viral videos ay hindi lamang kilala si Sinon Loresca dito sa Pilipinas kungdi pati na rin sa ibang bansa.
Sa kanyang Instagram account, inanunsyo ng King of Catwalk na lilipad siya papuntang Jakarta, Indonesia sa April 28 para makilala ang kanyang Indonesian fans.
Bukod sa Indonesia, may mga tagahanga din ang Impostora star sa Malaysia at Mauritius, base sa messages na natatanggap niya.
Kamakailan ay nagbahagi si Sinon ng tips para ma-achieve ang kanyang killer body.
MORE ON SINON LORESCA:
LOOK: 'Impostora' star Sinon Loresca, walang arteng sumakay sa MRT para umiwas sa traffic
Sinon Loresca, hindi nagdalawang isip na ibigay ang isa niyang kidney sa kanyang ate