What's Hot

Aiai Delas Alas, itinanghal na Best Actress sa Queens World Film Festival

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 20, 2017 4:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Congratulations, Kapuso!

Itinanghal bilang Best Female Actor ng Queens World Film Festival si Aiai Delas Alas para sa kanyang pagganap sa pelikulang Area.

Ito ang balitang bumungad sa Philippine Queen of Comedy sa kanyang paggising. Gulat man at tila raw hihimatiyin, puno rin siya ng pasasalamat.

Aniya, “Maraming salamat Queens World International Film Festival Awards para sa pagkapanalo ko. Pagkagising ko at sinabi ni Gerald, natulala ako sabay iyak sabay luhod at umiyak sa pasasalamat at nanginginig pa katawan ko.”

Alay ni Aiai sa kanyang mga nakatrabaho, pamilya at mga tagasuporta ang kanyang panalo.

Pagpapatuloy niya, “Salamat direk (Louie Ignacio) sa pagtiyatiyaga mo sa first scene na ‘yun. Kung hindi mo ako tinulungan sa eksena, di ‘yun magiging posible.

Nais ko ibahagi din sa aking mga co-nominated na mga sa ibang bansa. I want to dedicate this award sa mga anak ko, Sancho, Shaun, Sophia, Andrei at kay darl Gerald. Kayo ang inspirasyon kong maging mahusay sa trabaho ko. Sa aking pamilya kay Mother Justa, salamat mama at sa lahat ng mga nagmamahal at nagdasal para sa akin. Maraming maraming salamat po.”

 

Napakagandang umaga sa inyong lahat ... nagising ako at ito ang balita .. maraming salamat QUEENS WORLD INTERNATIONAL FESTIVAL AWARDS PARA SA PAG KAPANALO KO ... pag kagising ko AT sinabi ni gerald natulala ako sabay iyak sabay luhod at umiyak sa pasasalamat AT nanginginig pa katawan ko ( buti wala ako sa nyc kasi baka mahimatay ako d ko din makuha ang award hahah comedy talaga) nais kong ibahagi ang award na ito sa aming producer BG PRODUCTIONS tita baby salamat , FERDY LAPuZ , DENNIS EVANGELISTA , at sa lahat ng crew and staff ng BG PRODUCTIONS ... sa AMING NAPAKABAIT NA DIREKTOR LOUI IGNACIO . Salamat direk sa pag tyatyaga mo sa first scene nayun kung hindi mo ko tinulungan sa eksena d yung magiging posible.. nais ko i bahagi din sa aking mga co nominated na mga aktres sa ibang bansa ... i want to dedicate this award sa mga anak ko SANCHO SHAUN SOPHIA ANDREI.. at kay darl GERALD.. kayo ang inspirasyon kong maging mahusay sa trabaho ko... sa aking pamilya kay MOTHER JUSTA ... salamat mama .....at sa lahat ng mga nagmamahal at NAGDASAL PARA SA AKIN ... MARAMING MARAMING SALAMAT PO.. And MAMA MARY thank you pinakinggan mo ang HILING ko sayo na ibuling mo sa makapangyarihan mong anak ang mga hiling ng aking puso .. AND TO GOD THE ALMIGHTY , LORD JESUS CHRIST WALANG HANGGANG PASASALAMAT SA PAGMAMAHAL AT LAHAT NG BLESSINGS NA IBINIBIGAY NYO ... I LOVE YOU PO

A post shared by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

 

Muli namang mapapanood sa pinilakang tabing si Aiai sa pelikulang My Mighty Yaya, kung saan makakasama niya si Miss World 2013, Megan Young. 

MORE ON AIAI DELAS ALAS:

MUST-SEE: Aiai Delas Alas' high school photo

READ: Aiai delas Alas at non-showbiz boyfriend, malapit na bang ikasal?

WATCH: Aiai delas Alas, bibida sa pelikula ni Direk Joel Lamangan