
Tuloy-tuloy na talaga ang pagsikat ni Balang!
Nagkaroon ng round four ang kanyang pag-guest sa The Ellen Show, ang programa ni Ellen DeGeneres.
Una siyang lumabas sa American talk show noong 2015.
“In the two years we’ve known our next guest, he’s gone from being a six-year-old dancing boy from the Philippines to an eight-year-old international star,” pagbungad niya.
Ilan sa mga pagbabago nang huli siyang bumisita ay marunong na siya mag-Ingles, at licensed Zumba instructor na siya.
Ilang beses napatawa ni Balang si Ellen at ang audience nito. Panoorin ang kanyang interview at pagsayaw sa Shape of You ni Ed Sheeran sa video na ito:
MORE ON BALANG:
LOOK: Balang's 'Shape of You' dance video grabs 9gag's attention
WATCH: Balang's guesting in 'Little Big Shots UK'
WATCH: Balang, naglaro ng Pak Ganern!