
Kilala bilang sikat na sexy star ng henerasyon ngayon si Kapuso star Andrea Torres.
Mula nang nagpakita siya ng balat sa kanyang pinagbidahang GMA Afternoon Prime soap na Ang Lihim ni Annasandra noong 2014, tuloy-tuloy na ang kanyang pagpapaseksi hanggang nakilala siya bilang Venus sa high-rating primetime series na Alyas Robin Hood kamakailan lamang.
LOOK: Andrea Torres, first time mag-two piece sa TV dahil sa ‘Alyas Robin Hood’
Ginulat ni Andrea ang publiko nang mag-pose siya sa men’s magazine na FHM bilang cover girl nito noong December 2014 at nang maglabas siya ng coffee table book na Road Trip sa kasunod na taon.
LOOK: Swoon while on a ‘Road Trip’ with Andrea Torres
Kumportable na ang sexy actress sa kanyang imahe ngayon, ayon sa kanyang panayam sa Tunay Na Buhay, “Ito talaga ang nag-open ng so many doors for me. [I] need to do this para mag-mature na rin and makatanggap ako ng mas maraming roles.” Ito na ang kanyang tinahak na karera ngunit mukhang konserbatibo ang kanyang pamilya, lalong-lalo na ang kanyang ama na professor sa isang kilalang Catholic school.
Tugon ni Bobby Torres tungkol sa sexy image ng anak, “Una, siyempre medyo apprehensive ako. Ang naging kondisyon ko lang is gusto kong makita ‘yung shots. Noong nakita ko na hindi naman siya beyond modesty, beyond morality, pumayag ako.”
Video courtesy of GMA Public Affairs
MORE ON ANDREA TORRES:
LOOK: 20 jaw-dropping photos of Andrea Torres
WATCH: Hot weather report I Andrea Torres sa ‘Bubble Gang,’ umabot ng 1M views!