What's Hot

Sino ang 18 roses ni Klea Pineda?

By FELIX ILAYA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 24, 2017 9:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Sa March 25 na ang debut ng Kapuso aktres. 

This Saturday (March 25) ipagdiriwang ni Klea Pineda ang kaniyang 18th birthday sa Nobu Hotel, City of Dreams. Modern Bohemian ang magiging tema ng kaniyang celebration at binahagi ni Klea na matagal na niyang pangarap ang ganitong klaseng debut.

 

A post shared by Klea Pineda (@kleapineda) on

 

Ani Klea, "'Yung theme po is modern bohemian, hindi siya talagang formal like naka-gown. Gusto ko relaxed [and] chill lang 'yung party. Modern Bohemian ['yung theme] kasi mahilig ako sa flowers, sobrang nakaka-relax kasi. Hindi pa ako artista, 'yun na talaga 'yung gusto ko sa debut ko."

Ilan sa makakasayaw ni Klea sa kaniyang 18 roses ay sina Jeric Gonzales, Juancho Trivino, Rocco Nacino, Pancho Magno, and Jak Roberto.

Mga female guests naman niya ay ang close showbiz friends niya na sina Ayra Mariano, Koreen Medina, Faith da Silva, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Mikee Quintos, at Kate Valdez.

Dalawa sa tatlong gown na susuotin ni Klea ay likha ni Kim Gan, isang tanyag na designer ng mga beauty pageant gowns.

Mixed emotions naman ang nararamdaman niya habang palapit ng palapit ang kaniyang special day.

"Sobrang excited and nakakakaba. Excited ako kasi ito na 'yung pinaghirapan namin ng Artist Center, excited na akong makita kung ano ang kalalabasan ng mga pinlano namin. Nakakakaba kasi [magiging] successful o hindi? May ganoon na thoughts," wika ng aktres.

MORE ON KLEA PINEDA:

Klea Pineda wants to start training to become a full-fledged beauty queen

READ: Klea Pineda, naging emosyonal nang maalala ang yumaong lolo para sa kaniyang debut

Klea Pineda celebrates 18th birthday with Kleanatics