What's Hot

Mike Tan admits to almost quitting showbiz

By MICHELLE CALIGAN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 30, 2017 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
ONE Fight Night 40: Jackie Buntan set to defend title in rematch vs. Stella Hemetsberger
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News



Why did Mike Tan almost quit showbiz?

Mahusay na nagagampanan ni Mike Tan ang role na Angelo sa hit Afternoon Prime series na Ika-6 Na Utos. Pero inamin ng aktor na minsan na niyang naisip na iwan ang mundo ng showbiz.

READ: Mike Tan on his loyalty to GMA Network: "Never nila ako pinabayaan"

"Hindi na ako magde-deny, mayroon [time na naisip kong mag-quit], pero hindi dahil sa mga bumabatikos sa akin," pahayag niya sa isang panayam pagkatapos niya muling pumirma ng kontrata sa GMA Network.

 

A post shared by Mike Tan (@imiketan) on


Paliwanag pa niya, "Ang lagi ko namang sasabihin, mas nakikinig ako doon sa mga taong nasa field ko rin, sa mga kapwa ko artista, sa mga nakatrabaho kong direktor. 'Yun ang mga mas pinaniniwalaan kong magsasabi sa akin kung ano ang magiging resulta ng trabaho ko."

Kuwento pa ng aktor, ginawa niyang inspirasyon ang negative comments para pagbutihin ang kanyang pag-arte.

"Nakakatuwa kasi totoo 'yang lahat nang sinabi mo, 'yung hindi marunong [umarte]. Naging motivation ko 'yun na dapat matuto ako, maging successful ako sa trabahong 'to. So after five years, binigyan ako ng project and I think napatunayan ko ang sarili ko. Nabigay ko ang hinihingi ng network at kung ano ang gustong makita ng tao. But of course, you can't please everybody."

Hindi naman daw siya tumitigil sa pag-improve ng kanyang sarili. "So far, hanggang ngayon tinatrabaho ko pa rin ang craft ko, nagre-research pa rin ako, nagwo-workshop pa rin ako. Constant learning siya eh. Hindi puwedeng tumitigil ka sa pag-aaral lalo na pagdating sa pag-arte."

MORE ON MIKE TAN:

BF ni Ryza Cenon at GF ni Mike Tan, suportado ang kanilang roles sa 'Ika-6 Na Utos'

WATCH: What you've missed from the March 29 episode of 'Ika-6 Na Utos'