
Tila hindi natutuwa ang ama ni Sang’gre Amihan Kylie Padilla na si Robin Padilla sa pinagdadaanan ng kanyang anak ngayon. Kasalukyang limang buwan nang pinagbubuntis ni Kylie Padilla ang kanyang anak sa boyfriend nitong si Aljur Abrenica.
MUST-READ: Kylie Padilla admits rumored pregnancy story
Ayon sa report ng Unang Hirit kaninang umaga, nagulat ang reporter nang marinig ang unang pahayag ni Robin, “Hindi ako masyadong excited.”
Dapat raw pagtuunan ni Kylie ng pansin ang kanyang pagbubuntis para mailuwal ang kanyang anak nang normal, “Siyempre gusto ko makapanganak muna siya nang mahusay.”
WATCH: Robin Padilla bonding with newborn daughter Isabella
Looking forward ang action star na makilala ang kanyang apo, “Kapag nandun na, siguro dun na ako magiging excited. Bagamat siya’y nasa edad na, malamang siya handa pero ako hindi ako handa.”
Tanggap din ng action star kung ano ang magiging kasarian ng magiging apo, “Basta ako, normal [ang bata], babae o lalaki, tomboy, bakla, walang problema sa akin ‘yun.”
Ibubunyag ng Kapuso actress ang kasarian ng anak sa gender revelation sa Mayo.
MORE ON KYLIE PADILLA:
WATCH: Liezl Sicangco on daughter Kylie Padilla’s pregnancy: “Alagaan mo ‘yan”
LOOK: Netizens, hanga pa rin sa kaseksihan ni Kylie Padilla matapos mag-post ng gym selfie