
Bilang pasasalamat, nagsagawa ng meet-and-greet promo si Kris Aquino sa kanyang three million followers sa Instagram.
Pitong masuwerteng fans ang napili sa lahat ng mga sumali at nabigyan ng pagkakataong makipag-bonding sa kanya.
Dinala niya sila sa isang mall sa Quezon City para sa isang makeover at merienda kuwentuhan.
Bago matapos ang kanilang bonding, nag-photo op sila at binigyan ni Kris ng tig-isang kikay kit.
Ibinahagi niya sa kanyang followers ang ilan sa mga laman ng kanyang giveaway.
Maliban sa kanyang online promo, busy si Kris sa kanyang mga negosyo at sa #TripNiKris. Eere ang two-hour special bukas, April 9 sa SNBO.
MORE ON KRIS:
IN PHOTOS: Kris Aquino's Philippine trips
Kris Aquino offers gifts to Instagram friends after getting 3M followers
LOOK: The woman behind #TripNiKris