
Sa dami ng mga Kapuso stars na nagpunta ng Japan ngayong Holy Week vacation, hindi talaga maiwasan na hanggang doon ay magkasalubong pa sila.
Ito ang nangyari sa chance meeting ng Encantadia stars na sina Glaiza de Castro at Diana Zubiri-Smith.
"Lilasari! Hindi ba't sinabi ko na nasa Adjantao ang iyong anak?! Hindi ko nais ng digmaan, ibig ko lamang mamasyal," pabirong sulat ni Glaiza sa caption ng kanyang Instagram post.
Nung April 10, si Gabby Eigenmann naman ang nakasalubong ni Glaiza habang namamasyal.
Bukod kina Glaiza at Diana, nasa Japan din ang kanilang Encantadia co-stars na sina Mikee Quintos at Solenn Heussaff.
MORE ON KAPUSO VACATIONS:
Travel destinations ng mga Kapuso ngayong Holy Week
LOOK: Kapuso stars observe Holy Week traditions