What's Hot

Juancho Trivino posts emotional message for RJ Padilla who left for Australia

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 18, 2017 6:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News



Inalala ni Juancho ang ilang taon nilang pagkakaibigan ni RJ na nagsimula ba sa 'Bubble Gang.'

Isang emosyonal na mensahe ang ipinadala ni Kapuso hunk Juancho Trivino sa kanyang kaibigan at Destined To Be Yours co-star na si RJ Padilla. 

Tahimik kasing nag-migrate sa Australia si RJ kasama ang kanyang pamilya. 

 

A post shared by Juancho Trivino (@juanchotrivino) on

 

"Brader RJ! Pinalabas na kanina 'yung scene na aalis ka. Umalis ka na talaga ng hindi kita nakikita," panimula ni Juancho sa caption ng kanyang Instagram post. 

Inalala din ni Juancho ang ilang taon nilang pagkakaibigan. 

"Since day 1 ng Bubble Gang auditions naging kaibigan na kita. Inaanak ko 'yung anak mo at higit sa lahat, isa ka sa best friends ko," aniya.

Nananatli naman siyang positibong magkikita pa rin sila ng kanyang kaibigan. 

"Ingat ka diyan sa Australia. There are no goodbyes, see you later lang kapatid!" pagtatapos niya. 

Sinalamin naman ng karakter ni RJ sa Destined To Be Yours na si Arman ang tunay na sitwasyon ng aktor. Sa kuwento, magma-migrate naman patungong Canada ang pamilya ni Arman. 

Emosyonal ang naging eksena nang ipaalam niya ito sa kanyang best friend na si Badong—na ginaganapan ni Juancho at kanyang girlfriend na si Ninay, na ginaganapan naman ni Sheena Halili. 


Destined To Be Yours: Pamamaalam ni Arman... by gmanetwork

Paano na ang Team Pelangi ngayong mababawasan pa sila? Alamin iyan sa Destined To Be Yours, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad. 

MORE ON DESTINED TO BE YOURS:

EXCLUSIVE: Alden Richards and Maine Mendoza play 'Me-Not Me'

EXCLUSIVE: Selfie tips from MengShee