What's Hot

EXCLUSIVE: Wyn Marquez, isinantabi muna ang pagsali sa Binibining Pilipinas para sa 'Mulawin VS Ravena'

By MICHELLE CALIGAN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 19, 2017 4:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Naging matunog ang balitang sasali muli si Wyn sa naturang beauty pageant ngayong taon, pero nang dahil sa 'Mulawin VS Ravena,' hindi na matutuloy ito.

 

Photo by: Michael Paunlagui, GMA Network Inc

"To be honest, I really wanted to join [Binibining Pilipinas] but I have to fulfill my contract with GMA. Kailangan ko munang tapusin 'yung obligation ko before I do something else."

Ito ang inamin ni Kapuso actress Wyn Marquez sa eksklusibong panayam sa kanya ng GMANetwork.com sa pictorial ng upcoming telefantasya na Mulawin VS Ravena. Siya ay gaganap bilang ang Ravenang si Ribay, ang kanang kamay ni Rashana, na gagampanan naman ni Chynna Ortaleza.

EXCLUSIVE: Meet the official cast of 'Mulawin VS Ravena'

Matatandaang naging matunog ang balitang muling sasali si Wyn sa naturang beauty pageant ngayong taon. Una siyang naging candidate noong 2015, kung saan umabot siya sa Top 15

READ: Wyn Marquez meets with beauty queen maker Jonas Gaffud

Ayon kay Wyn, hindi daw niya kayang palampasin ang chance na maging cast ng Mulawin VS Ravena.

"Thankful naman ako kasi maganda 'yung binigay sa akin ng GMA. Kahit hindi ako nakasali, I'm still part of a really nice show, and for me, parang siguro it's a sign not to join muna. Kasi 'di ba, who would want to pass a show like this?"

MORE ON WYN MARQUEZ:

READ: Wyn Marquez responds to a netizen who claims that her bikini photo on Instagram is edited

WATCH: Mark Herras at Wyn Marquez, napapag-usapan na ba ang kanilang kasal?