What's Hot

EXCLUSIVE: Marian Rivera, nag-react sa biglaang pagbubuntis ni Kylie Padilla

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 8, 2017 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelica Panganiban says her favorite Glaiza De Castro role is being her best friend
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



"...Congratulations sa kanya [dahil] binigyan siya ng isang napakagandang biyaya na walang kapalit talaga." - Marian Rivera

Tulad ni Kylie Padilla, pinagdaanan din ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang hindi inaasahang pagbubuntis habang isinasagawa ang isang GMA project.

 

A post shared by bulldog (@kylienicolepadilla) on

 

Taong 2015, matatandaang si Marian dapat ang gaganap sa role ni Jade sa The Rich Man's Daughter ngunit mas pinili niya ang kaligtasan ng anak nila ni Dingdong Dantes. Pinalitan siya ni Rhian Ramos sa hit teleserye.

Samantala, kamakailan lamang ay kinailangan din ni Kylie na magpahinga sa showbiz matapos niyang ianunsyo na ipinagbubuntis niya ang panganay na anak nila ni Aljur Abrenica.

Dahil pareho ang kanilang karanasan at tumayong ina ni Kylie si Marian sa Encantadia, nagbigay ng kanyang reaksyon ang Kapuso Primetime Queen. Aniya, "'Yan ang pinakamasarap sa isang babae, ang magkaroon ng isang anak. So congratulations sa kanya [dahil] binigyan siya ng isang napakagandang biyaya na walang kapalit talaga."

"Siyempre 'pag first time mo [magbuntis], kailangan talaga alagaan mo. Alagaan mo siya kaysa sa bandang huli magsisi ka," pahayag ni Marian sa exclusive interview ng GMANetwork.com.

MORE ON MARIAN RIVERA:

WATCH: Ano ang sagot ni Marian Rivera sa kasal ng kaniyang best friend na si Aiai delas Alas?

Dingdong Dantes, proud of wife Marian Rivera's latest achievement 

WATCH: Dingdong, Marian, and Zia Dantes to fly to Spain