
Usap-usapan ngayon na tila nakahanap na ng pag-ibig ang Japanese actresss na si Maria Ozawa sa Pilipinas.
Ilang makahulugang mga posts ni Maria Ozawa at ang napapabalitang boyfriend nito na si Jose Sarasola, ang tila nagpapahiwatig ng estado ng kanilang relasyon. Si Jose ay isang chef at restaurant owner.
Nag-post si Maria sa kanyang account ng isang photo kung saan may caption ito na heart emoji.
Nag-post rin si Jose sa kanyang account ng isang photo nilang dalawa ni Maria na may kasama rin na heart emoji sa caption.
Kasalukuyang nasa Kuala Lumpur, Malaysia, ang dalawa ayon sa post ni Maria.
Nakakakuha man ng ilang pagbati ang dalawa sa kanilang social media accounts, wala pang kumpirmasyon mula kina Maria at Jose sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
MORE ON MARIA OZAWA:
"Meet and Greet" ni Maria Ozawa, dinagsa ng kalalakihan
READ: Maria Ozawa cries foul against Immigration worker for violating her privacy